Okay ka lang ba talaga? tanungin mo nga puso mo, kung hindi umiiyak yan.
Natatawa ako tuwing sinasabi mo na Okay ka lang. Dahil klaro naman sa boses mo na talagang hindi naman. Ang tamlay mo. Hindi ako sanay. Please, maging okay ka na. Sana maging okay na ang lahat sayo. Nasasaktan rin ako, pero wala kang kasalanan.Kumakain ka ba? Sana hindi mo napapabayaan ang sarili mo. Sorry ang kulit ko. Sige, hindi na, para sayo. Sa totoo lang? Gusto kong humingi ng tawad sayo, kasi hindi ako ang taong dapat mong makausap at hindi ako ang taong iniexpect mong dumamay sayo ng ganito. Pero, okay lang sakin kung gusto mong iimagine na sana siya na lang ako. Okay lang talaga sakin, kung yun ang nagpapagaan ng loob mo.
Sorry iel. Sorry ang kulit ko, kasi alam ko para sayo, sabihin mo man ang problema mo sakin o hinde, wala pa rin akong magagawa, kasi ikaw nga mismo wala kang magawa eh, ako pa kaya.
Ang kaya ko lang gawin ay makinig sayo. Sa mga oras na down ka sobra. Sorry iel. Pero wala naman akong hinihingi na kapalit sayo eh. Walang wala. Huwag mo sanang isipin na meron, kasi talagang wala. Mahalaga ka lang talaga sakin.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home