Tinuring kitang kaibigan.
Unang una, sa kabila ng lahat ng mga pagmumura at sinasabi mo tungkol sakin na sinusulat mo dyan sa Tumblr mo, gusto kitang pasalamatan sa friendship na nabuo nating dalawa. Kahit na di na man tayo masyadong close ngayon, kasi ewan ko kung bakit at anong nangyari, tinuturing pa rin kitang kaibigan ko. Gusto kong pasalamatan ka sa mga shinishare mong advices, sa mga pinapamahagi mong storya ng buhay mo sakin, at maging ang love story mo. Salamat kasi minsan ring binago mo ang pananaw ko, binuksan ang mata ko. Dahil ayaw mong masaktan ako, sa mga lalakeng gago. Salamat pa rin tuwing ngumingiti ka sakin, nararamdaman kong totoo ka sakin, at sa lahat lahat. Maraming salamat sayo.Anyway, di ko alam kung pano ko sasabihin sayo ang mga ito, kasi alam ko lahat ng mga nakasabi dito, ay di mo paniniwalaan. Idadaan mo sa pagmumura, kokontrahin pa. Ano ginawa ko sa'yo? Ang tagal na nga nating di naguusap eh, ang natatandaan ko lang usapan natin ay nung post ko sa tumblr ng bestfriend ko nung nasa Island bubble tea kame. Tapos ayaw mo sakin? Hindi naman kita ginagalaw. At hindi naman kita inaano. Ano problema mo? Kung ang problema mo sakin ay tungkol sa pinsan mo, bat mo inaapektuhan ang pagkakaibigan natin eh in the first place, wala naman akong ginawa sa'yo.
Ba't ba? Ano bang gusto mong gawin ko? Anong pinapalabas mo? Na ginagago ko pinsan mo? Nasabi ko na ang lahat sa pinsan mo, yung pinaka posibleng paraan na kaya kong gawin para di siya lalo masaktan. Teka teka, tinanong ko na ang pinsan mo sa kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari, di niya naman ako sinagot. Sinagot niya nga ako, pero hindi naman daw para sakin ang mga pinagsasabi niya. Kahit klaro naman na ako. Instead, chinange niya ang topic. Oh, kaninong kasalanan ngayon? Ayoko na rin lalong magpaka feeler sa harapan ng pinsan mo. Ang gusto ko lang ay sabihin niya straight to the point, para hindi siya mag end up na naguguluhan siya. I dont deserve your cousin. I know right?! Ayoko lang. Kasi? Kasi, hindi ako komportable sa kanya. Tsaka alam niya na may mahal ako. Ako pa rin ba ang may kasalanan? Ba't parang ako ang sinisisi mo? Inaamin ko, di naman talaga ako karapat dapat sa pinsan mo. Hindi man talaga karapat dapat. Bat bitter ka pa rin sakin?
Again and again, gusto ko lang klaruhin kung bakit hinahayaan mong maapektado ang friendship natin kung problema naman namin 'to ng pinsan mo. Oo, magpinsan nga kayo. Pero magkaibigan naman tayo. Or should I say, naging magkaibigan naman tayo. (Kasi nga, mukhang ayaw mo na nga ako maging kaibigan or ayaw mo nga talaga) Bat ayaw mo nalang akong iconfront at kausapin? Bat nagpaparinig pa? Kung pwede namang sabihin agad harap harapan. Diba?
Tinuring kitang kaibigan, teh. Tinuring kitang kaibigan.
Di ko nga inexpect na gagawin mo yan sakin eh.
Walang wala sa isip ko na gaganyanin mo ako.
Salamat teh ha. Salamat.
P.S. Di ako galit dito. Ang sakit lang naman ng naramdaman ko. Iniyakan pa kita. Haynako.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home