Mister A.
Alam mo, inisip ko nung una ung ano ba talaga tayo. Kasi, alam mo, sa mga nangyayari satin parang tayo na eh. Parang tayo na. Alam mo yun, sa mga pinagkakagawa pa lang natin. At sa sobrang attached natin sa isa't isa, di ko alam kung anong meron satin.Masaya ka ba talaga sakin? Teka, tandaan mong mahal na mahal kita. Pero alam mo, ang totoo ay takot pa rin ako. May halo pa rin katakutan, kasi alam mong alam ko na wala kang tiwala sa sarili mo na ako lang ang gugustuhin at mamahalin mo. Sa totoo lang, takot akong mawala ka sakin. Takot akong mapunta ka sa iba. Alam kong inaalagaan mo ang puso ko, para hindi ito mabasag, pero alam mo yun, dun pa lang sa sinabi mong ikaw mismo ay natatakot, ako rin kasi eh. Takot ako. Kaya ngayon, di ko alam kung ibibigay ko na ba talaga ang buong pagmamahal ko sayo, kasi may halo pa ring takot sakin.
Di ako nagmamadali. Gusto ko sanang mag enjoy muna tayo sa anong meron satin ngayon. Fiance naman kita, dba? At alam mong, mahal na mahal kita.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home