Wednesday, June 29, 2011

3-11 pm duty shift.

Saan? Saan? Sa Zamboanga Doctor's Hospital po.
Hindi nga lang ako sure kung saang Ward ako, basta for sure either Ward B/ D lang ako.
Pedia Ward or MedSurge Ward.

Alam niyo ba? Dati, nung lagi pang may na-aadmit sa pamilya namin sa doctors, gustong gusto ko talagang sumama. Ewan ko lang kung bakit. Siguro nga kasi, gusto ko yung ambiance dun, gusto ko yung lugar, gusto ko yung pagkain sa canteen, gusto ko lahat. Yun na nga ang favorite kong hospital eh, pero ewan ko lang ngayon kung ano ang nagbago.

Dati rati, kailangan pang may ma-admit sa isa sa mga pamilya ko, bago makapunta dun.. ngayon, kusa na talaga akong pupunta dun, kasi dun na ako assign this week. Dati rati, taas noo ako sa mga nagduduty dun na nurses, ngayon, isa na ako sa kanila. Dati rati, gabi gabi akong lumalabas para tignan ang mga ginagawa ng nurses sa wards nila, ngayon, hands on na talaga ako sa mga gagawin para sa clients namin. Nakaka loka.

3-11 pm duty shift, hope you'll be fun.
Oops, di pa ako nakakagawa ng objectives. be right back!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home