Friday, August 26, 2011

Frustrating Realizations


By: Princess Jade Monce

Have you ever encounter in your life na kung saan ang dami mong frustrations sa love? Nakakainis noh, "Sana minahal ko na lang siya", "sana ako na lang pinili niya", "sana ginawa ko na lang yun".. etc. Sakit. Marami akong nasaksihan na iba't ibang klaseng sitwasyon sa love, tignan na lang natin kung makakarelate ka ba sa mga ito:

Number 1. You find the perfect love, but in a wrong time. - Ito yung mga taos pusong nagmamahal, pero hindi pa yun ang tamang oras na kung saan pwede silang magmahal. May mahal siyang tao, mahal rin siya ng taong mahal niya, pero may mga barriers na nagpapahiwalay sa kanila.  E syempre, hindi pa yun ang tamang oras.. tapos nagmamahalan na sila. May mga darating talaga na problema at pagsubok sa relasyon nila, kasi hindi pa yun ang tamang oras na magmamahal sila. Maaaring hadlang ang parents (kasi bata pa?), o di kaya, di pa sapat ang mga karanasan, o pag aaral muna, o pwede ring hindi pa stable ang buhay socially, and all. Kaya ayun, pag nadapuan ng mga ganung klaseng pagsubok, biglang nagbrebreak down ang relationship, tapos masasaktan ang dalawa. Tapos na. Ganun na lang.

Kaya dito pumapasok ang katagang sinasabi nila na "True love waits", pag nakapagtapos ka na, stable na ang buhay mo, legal na, at may sapat na karanasan ka na, may darating rin na isang taong nakatakda para sa'yo, maaaring magbabalik ang taong minahal mo dati, o may makikilala kang bago na magmamahal sa iyo ng tunay at lubusan.

Number 2. You find the perfect one, but he/she is not inlove with you. -  Isang sulyap mo pa lang, naattract ka na. Yun bang nagsasama kayo, naguusap, akala mo that person also feels the same way like you do. Yun bang feeling mo, siya na. Kaso, hindi siya inlove sa'yo. Akala mo lang yun. Sadyang mabait lang talaga siya, maalaga, and all. Pero, hindi. Hindi siya inlove. Maraming tao ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon. May mga nagpupursigi pa rin, kasi umaasa na baka mahalin rin sila balang araw, na maiinlove sa kanila balang araw. Ang iba, naglaan ng space, kasi yung taong perfect for them ay inlove sa ibang tao. at may mga naghanap na ng iba, kasi kailangan rin nila ng isang taong magmamahal sa kanila. Ganun talaga ang love, mapagbiro, pero kailangan rin nating maging clever para malaman natin kung ang taong yun, ay para sa'tin talaga o hinde.

Number 3. You find the perfect one, but you must be loyal to someone else. - Ito yung kabaliktaran na sitwasyon ng Number 2. Kasi, ikaw yung may commitment, ikaw yung may mahal, tapos may gusto kang iba. Lalong lalo na kung ang tagal niyo ng nagsasama ng mahal mo, tapos biglang may isang taong dadaan sa harapan mo, tapos nag 'skip-a-beat' ang heart mo. Mapapa- "Ano yun? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya?" ang drama. Tapos, pag wala yung taong mahal mo, o malayo sa'yo ang taong mahal mo, mababalin ang atensyon mo dun sa taong gusto mo, makikipag friends ka dun sa taong gusto mo, show concern, sasamahan mo kahit saan hanggang sa... makakalimutan mo na lang na may mahal ka pala. Naman oh, naman. Ngayon, stuck up ka tuloy kung sino ba talaga ang pipiliin mo. Yan kasi, ang landi mo. nagpadala ka sa tukso. Pag nalaman ng taong mahal mo ang ginawa mo, masasaktan siya. So, masasaktan ka rin. At pag nalaman naman ng taong gusto mo (kung hindi pa alam ng taong gusto mo na may mahal ka), eh talagang mas masasaktan siya. Edi tatlo na ang sinaktan mo dahil sa ginawa mo. Kaya dapat, mag decide ka talaga ng maraming beses kung ano dapat ang tama. Kung alam mong kailangan mong maging loyal sa mahal mo, dapat di ka na naglandi nagpadala sa tukso.

Number 4. You got perfect looks, but no one takes you seriously. Ito yung problema ko. Ito yung problema ng mga taong masyadong perfect, perfect lips, perfect eyes, pero wala namang nagseseryoso sa kanya, kasi mostly, ang ginagawa sa kanya, pang display lang. Lahat ng tao, pinupuri siya. Kasi panlabas lang na katauhan ang nakikita nila. "Perfect", yan ang perception ng mga tao sa kanya, pero hindi nila alam na may mga flaws rin siya. Lahat naman ng mga tao may flaws, pero akala siguro ng iba, sandali lang siyang makipag deal sa mga kamalian. Kaya yung mga masyadong high ang expectation sa kanya, pag hindi nag meet ang expectations, ay basta na lang matuturn off, at iiwan siya. Kaya yun. Walang nagseseryoso. Kung alam lang nila na hindi ganun kadali magbago, hindi ganun kadali sagutin ang kamalian. Diba? Ang dami kasing nagtatake for granted. Ang dami kasing taking advantage. Ang dami kasing taong nageexpect, kaya maraming nasasaktan. Jackpot na nga na nagustuhan rin sila ng may perfect beauty, tapos di pa inalagaan. Ginamit lang. Ang sakit kaya.

Pero depende pa rin, minsan nasa attitude rin kasi ng tao nakasalalay ang mga ganitong klaseng sitwasyon. Perfect nga, pero hindi naman maganda ang ugali. Sayang lang. May mga taong handang handugan siya ng pagmamahal, pero ang sungit sungit, walang paki alam. Masyadong proud sa sarili, hindi marunong mag appreciate. Nako, nakaka walang gana. Kaya ayun, wala talagang nagseseryoso. Kaya dapat, ibalance ang sarili. Hindi yung focus ka lang sa looks mo, hindi mo namamalayan ang mga taong nakapaligid sa'yo.

Number 5. You got brains but you have a frail heart. Sabi nila, ito daw talaga yung mga problema ng mga taong matatalino, mahina sa love. Eh pano daw kasi, focus na focus sa acads, no time for love. Sometimes nga, no time for their own self. Bakit kaya no?

Eh kasi naman, since masyadong focus sa acads, hindi nila naeentertain ang sarili nila sa mga sitwasyon na kung saan yung mga taong inlove lang ang nakakaranas. Not saying na hindi pa nila naranasan mainlove. Hindi pa siguro sila nainvolve talaga sa mga mabibigat na situation na kung saan sila lang mismo ang makakasolve nito. Kasi nga, hindi pa nila naranasang pumasok sa buhay ng love. Some says, takot silang magmahal kasi, yung mga kaibigan nila nasasaktan, kaya ayaw nila itong maranasan. Ayaw nilang masaktan. Some says, ayaw nilang maapektuhan ang studies nila. Pero yung mga ready na mag involve, sila yung may mahinang loob sumuyo. Syempre, hindi naman talaga mawawala ang takot, diba? Kaya nakakapang hina ng loob. Pero, ang dapat nating gawin ay ipagpatuloy lang ang nangyayari, kasi kahit ano pa man yun, may makukuha tayong karanasan as well as lesson. Lesson! Kung nasaktan man tayo, we should know it's really normal, that's the key kasi eh para mas lumakas ang loob. Para matama ang mga kamalian. Para maayos at mahanda ang sarili ang susunod. Kaya huwag hayaan ang sarili na mapaghinaan ng loob, pag may mahal kang tao, ipakita mo, malay mo.. yun na pala ang para sa'yo. Edi swerte mo. Jackpot niya sa'yo. Masarap ka nang magmahal, matalino ka pa. Diba?

Number 6. You got the courage, but it's too late. Matagal na matagal mo na siyang gusto. Eh ba't ba kasi ang torpe mo? Matagal na matagal mo nang gustong umamin, pero nung nagkalakas ka na ng loob umamin sa kanya, huli na ang lahat. Kasi, may mahal na siyang iba. Eh ba't ba kasi hindi ka pa umamin dati, noh? Eh ayun, nahulog siya sa iba. Ang tagal tagal mo kasi eh. Ngayon, anong gagawin mo?

Nakakagago. Ang sakit. Kung pwede lang maibalik ang oras, siguro ginawa mo na. Yan, yan ang napapala ng mga torpe. Eh sana nung dati pa, sinabi mo na ang nararamdaman mo. Oo, normal ang matakot, pero sana hindi hinayaan na magwagi ang takot sa sarili. Sana you believe in yourself. Isn't it people loves to feel they're being loved? "Life is too short, so make every moment last", ika nga. Dapat ganun rin. Bahala na kahit di ka gusto, basta nasabi mo. You'll never know rin kasi, unless you'll take the risk. Pero ngayon na huli na ang lahat, wala ka nang magagawa kundi hayaan siya, kasi dun siya masaya. Kasi, andun na siya sa mahal niya. Kung kaya mong mag antay (hanggang sa magbreak sila), edi magantay ka. Pero tanong, pano ka makakasiguro?

Move on. May milyun-milyong tao pa na namumuhay sa mundong 'to. Oo, marami nga, kaya malay mo diba, hindi siya ang para sa'yo. Focus ka muna sa mga bagay na nagpapaka busy sa'yo. Hanggang sa makalimutan mo siya. Hanggang sa may mahanap kang bago na pwede mong handugan ng pagmamahal, but this time, don't waste a chance. Remember, "you'll never know unless you'll take the risk."

Number 7. You're ready to love, but you don't know where to start. Ito yung mga taong hindi mapakali sa love life. Kasi, hindi nila alam kung saan magsisimula. Ready ka na, pero wala pang matinong tao na qualified sa check list mo. O di kaya, ready ka na, pero hindi mo alam pano susuyuin, hindi mo alam kung pano sasabihin. Nasa dilemma stage ka kung sasabihin mo, o ipapakita mo. Kung sasabihin mo naman, natatakot ka baka magiging korny ba ang kalabasan nito. Kung ipapakita mo naman, baka ayaw niya o baka dapuan ka na naman ng pagkatorpe mo. Naku nako naman, hindi mo alam kung pano magsimula, di mo alam kung ano ang dapat mong gawin. Minsan matatanong mo na lang ang sarili mo, "Pano ba talaga magsimula sa love?" Paano nga ba?

Sabi nila, love starts with a smile. Smile. You'll never know, dahil sa killer smile mo, madaming maghahabol sa'yo diba? Pero syempre, isama mo na ang right attitude sa package. Tapos friendship. Proven ito ah. Ang daming nagtatagal pag nagsisimula sa friendship, kasi friendship makes bonds. Syempre, it takes time. Dun mo kasi malalaman ang pagkatao ng taong gusto mo. How you deal with your ups and downs, and all. Pero syempre, you should also appreciate every little thing about that person. Dun kasi mararamdaman na love ka ng tao, at kapag naramdaman mo na yun, edi ipagpatuloy mo na. Hindi mo na lang mamalayan, nagmamahal ka na. Hindi mo na lang mamalayan, mahal ka na rin pala. O diba?

Marami talagang nakakabigong realizations. Gayunpaman, huwag nating hayaan na madapuan tayo ng katorpehan at takot harapin to. Kasi, dito tayo makakakuha ng karanasan on how to deal with certain situations. Go lang. Para ito sa mga taong bigo, mga taong napaghihinaan ng loob. Para sa mga taong humihingi ng signs, itong ito na yun. At sa bawat taong hindi napagod basahin ang mahabang post na ito. Sana nagenjoy kayong magbasa at sana may natutunan kayo. Salamat!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home