Sometimes, I dont know what to do next.
Hindi ko alam kung papansinin ba kita, kasi kulang ako sa pansin. Hindi ko alam kung di kita dapat pansinin para di mo isiping attached ako ng sobra sayo, or di ka na talaga pansinin para mamiss mo ako. Hindi ko alam eh, hindi ko alam. Hindi ko alam kung pakipot ka lang ba talaga o sadyang ayaw mo lang talaga. Hindi ko alam ano ang susunod kong gawin sapagkat nagseselos ako, at ayaw kong ipaalam sayo kasi nasasaktan ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari, hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron sa'tin. Hindi ko alam kung ako na lang ba ang nag iisang gusto mo, hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang nag iisang mahal mo. Hindi ko alam kung interesado ka ba sakin, hindi ko alam kung panakip butas lang ang habol mo sakin. Hindi ko alam kung may pakelam ka ba sakin, hindi ko alam kung nag aalala ka ba sakin. Hindi ko alam kung totoo ba ang nararamdaman mo dahil hindi ko alam kung ano ba talaga tayo. Hindi ko alam kung matutuloy pa ang mga sinumpaan natin at hindi ko alam kung may balak kang kalimutan yun.At higit pa sa lahat ng yan, hindi ko alam kung nagugustuhan mo ba ang mga nangyayari at hindi ko alam kung pinagsisisihan mo ang lahat.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home