Hindi mo alam. Hahaha
Hindi mo siguro alam na sa bawat oras na kakaisip ko sa crush ko ay kasama ka pa rin dun. Hindi mo alam na tuwing tinititigan ako ni crush iniisip ko na sana ikaw yun. May mga oras na sinasabi ko kay crush na ikaw pa rin ang laman nito. Kasi ang alam ko, ikaw pa rin nga.Naalala kong sinabi mo sakin noon, na makakahanap ako ng better sayo.
Sabi mo, maraming mas gwapo sayo. Maraming mas maayos sayo. Lahat lahat na.
Anong sabi ko? Sabi ko, "hindi yan. Ikaw pa rin yan. Sa lahat ba naman ng mga nangyari satin."
Hindi ka naniwala. Sabi mo, hindi ko raw yan maiwasan.
Sabi ko, "Oo nga. Hindi maiwasan. Pero hindi nila mapapantayan ang kasiyahan na nabibigay mo sakin tuwing ikaw ang kasama ko. At kapag masaya ka na nakakasama mo ako."
Hindi nila mapapantayan ang kasiyahan na naramdaman ko tuwing kayakap kita. Hindi nila mapapantayan ang kasiyahan na nagawa mo tuwing tinitignan mo ako, nakangiti ka. HINDI NILA MAPAPANTAYAN, A. HINDI EH. HINDING HINDE.
Pucha naman oh. Bakit ako naiiyak ngayon.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home