Saturday, August 27, 2011

Sa totoo lang..

Ayoko ng maraming options. Ayoko ng maraming crush. Sana pwede na lang bumalik sa dati na kung saan loyal ako sa isa. Not saying hindi ako loyal sa gusto ko. Pero kasi, di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kinikilig ako sa mga maharot, and malandot na lalakeng pumapansin. Kilig lang, walang anything.

Ayoko yung feeling na kung saan pag nahurt ako sa isa, ang susunod ay *di bale, may tatlo pa man ako*. Ayokong mangyari yun sa'kin. Mygad, ayoko talaga. Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi na muna. Hindi na muna papansin masyado sa mga may potensyal na maging crush/whatsoever.

Kasi sa totoo lang? Isa pa rin ang laman ng puso ko. Isa pa rin ang binabalik balikan ng isip ko gabi gabi bago matulog. Isa pa rin ang taong iniisip ko tuwing nalulumbay. Hindi ko alam kung bakit ang hirap tanggalin sa isip. Hindi ko talaga alam kung bakit. Sorry. T_T

4 months pa lang naman eh, may 8 months pa para mag move on.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home