I ...
I wont waste a tear for you no more. Not worth it.
Labels: Jadiipersonal, mark
No more ...
Oo, ganun na lang yun. Hindi siya madali. Sa totoo lang, hindi ko pa napagiisipan ng maayos ang nararamdaman ko. Pero gusto ko sanang malaman niyo, na hindi siya madali. Ewan ko kung bakit bigla ko na lang nasabi na “dead” na siya. Marami rin naman kasing mga dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng ganitong feeling.
Hindi ko maintindihan ang actions niya. Hindi ko malaman laman kung bakit ganun ang kilos at galaw niya sa school. Oo, wala siyang arte.
“Pero, alam mo yun.. napaka hyper niya, madaldal and feminine - Oops, pwede pa siguro tong exemption.”
Hindi ko naman masisisi kung ganun talaga siya, diba? Hindi ko rin naman siya masabihan kasi ano ba ako sa kanya? Tsaka, hindi na kame katulad ng dati. Oo, naaalala ko yung mga oras na kung saan tinitext niya ko kahit san man ako mapunta, lalo na kung hindi niya na ako nakikita. Pero, ngayon, wala na. Eto na siguro yung sinasabi nilang.. ” Sa una lang yan matamis, pero sa paglaon.. puno na ng pait.” Inaamin kong na-attach ako sa kanya. Inaamin kong gusto ko siya. Pero ngayon? Ewan ko. Bakit wala na akong nararamdamang spark? Bakit? Wala naman akong gustong iba, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Sabi ko sa sarili ko dati, “Ayoko ng makasakit ng iba, lalong lalo na kung siya.” Wala pa siyang kamuwang muwang sa relasyon eh. Inosente. Tapos, sasaktan ko? Alam kong hindi naiiwasan ang masaktan, pero marami pa ring mga dahilan at pagkakamali na pag malaman niya, ay pwede ko siyang masaktan.
Kaya ngayon, heto na.. ihihinto ko na ang lahat. Mas mabuti pang ihinto na ang lahat ng komunikasyon naming dalawa. No more texting every minute. No more chatting every night. No more exchanging banats and all && No more expressing of something I rarely do/say. Gusto kong balikan yung dati na kung saan wala pa, walang namumuong attachment. Kasi sa tingin ko, mas mapapadali namin ang mga buhay namin sa ganung pangyayari. Walang tampuhan. Walang pakelamanan.
Total ganun na rin man ang tratuhan namin ngayon. E ba’t hindi na lang ipagpatuloy? Alam ko sa kalaunan, mawawala rin ang sakit at hinanakit, mawawala rin ang spesyal na damdamin. Pero bago ang lahat ng yun, gusto kong humingi ng kapatawaran.
Sorry talaga, *insertnamehere*. Sorry kung ganito lang ako, basta basta sumuko. Sorry kung ganito na lang ako kadaling magdesisyon. Ewan ko dito sa nararamdaman ko , eh. Napakagulo. Hindi ito rason para ihinto ang friendship natin. O kung ano mang klaseng akhdflahkfalh na pwede mong isipin. Ito talaga yung totoong nararamdaman ko, sana paniwalaan mo. Patawarin mo ko, patawarin mo ko.
Labels: bye, Jadiipersonal, mark
This time, it's real.
Oo, tama ang nabasa ninyo. Simula ngayon, magpapakatotoo na ako. At kahit na medyo naguguluhan pa rin ako, gusto kong malaman ninyo na hindi ko na idedeny ang totoong nararamdaman ko. Medyo natotorpe nga lang ako, pero at least.. nasasabi ko na kahit konte ang totoo.
Gusto ko ang classmate ko na matagal nang may gusto sa'kin. Kung ibibilang ako, mahigit na isang taon nang may feelings sakin. Ikailang times ko na mang hinayaan ang nararamdaman niya sakin, ikailang times ko na man siyang nasaktan, nabalewala, at napagago. Andyan pa rin siya. Sana ngayon, hindi pa rin siya magbago. Kasi konte na lang... nahuhulog na ako.
Ewan ko kung anong meron sayo. Hindi ka naman gwapo. Hindi ka rin matalino. Pero, napaiyak mo ko. Napaamin mo ang torpe kong puso sa mga simpleng bagay na minsan ko lang nasasabi sa mga tao na sincere ako. Shet, gusto kita.
Labels: Jadiipersonal, mark