Tuesday, August 30, 2011

One day.

One day, you’ll miss the hundred-times-a-day phone calls and the I-love-you-and-miss-you-so-much text messages. One day, you’ll understand why I picked fights with people who hurt you, even if you didn’t want me to. One day, you’ll miss hearing me fret over you, wanting to take care of you all the time. One day, you’ll understand why I kept on crying about how you never seemed to even try to be better. One day, you’ll miss me knocking on your door. Giving you corny love letters and wanting to spend time with you even after the longest and most tiring of days. One day, you’ll understand why I wanted you to learn to stand up for yourself, even if it meant coming up against the very people you loved so much. One day, you’ll miss me getting all jealous and shit over the ugliest of girls. One day, you’ll understand why I kept on picking fights over the silliest things—why I kept on telling you how afraid I was of losing you. One day, you’ll miss me loving you more everyday and missing a lot you all the time, and one day, you’ll understand why I stopped.

Labels:

Yung totoo

Huwag kasing assuming na mahalaga ka sa kanya unless sinabi niya sa'yo na mahalaga ka nga talaga. Kasi alam mo yun, pag sinampla ka ng katotohanan. Talagang matutumba ka. Kasi yun yung totoo, at wala kang magagawa dun.

Labels:

Monday, August 29, 2011

Where the hell are you guys. Why you dont fucking understand. Why you dont fucking understand my intentions. Why you dont fucking listen to me. T_T why are you all so cruel to me. T_T

ADHLAHFLJGALA:HD:AHGLFVL:A:A I DONT WANT HERE IN OUR HOUSE. I DONT WANNA SEE MY MOTHER. lhalfhalhfahflagaklgGJAFGALJFGKLH t_t

Ako na baliw.

Naalala ko na lang ang binanggit sakin ng bespren ko tungkol sa'yo. Sabi niya pa sakin,


"Ikaw! Sabi mo naka move on ka na, tapos pagtingin ko sa kabilang blog mo. Siya rin pala laman nun. Tampa ka talaga na hindi mo na siya gusto, tago tago ka pa. tapos siya rin pala ang laman ng blog mo."

Eh kasi, kahit gaano ko man ipilit ang sarili ko na hindi ka isipin. May mga times na tuwing nalulumbay ako, ikaw pa rin ang naiisip ko. Sana, nakakausap ka na lang. Sana nakakasama ka. And all. Pero, mas pinili ko ang pramis natin sa isa't isa.. kasi sabi mo yun ang tama. Sige, yun pala ang tama eh. Kaya go na.

May mga times na gusto kong pagsisihan kung bakit pako nakipag pramis sayo. Yung mga times na kailangan ko ng mga advices mo, mga times na sayo ko lang nasasabi mga problema ko. Ikaw unang nakakaalam. Tapos mga sikreto. Ahfakhfaighaghfjkhak ayoko ng magmention. Mas lalo kitang namimiss.

Ako na ang baliw. Kahit ako pa rin ang nasasaktan na nakikita kong may iba ka na, ikaw pa rin hanap ko. Kumpyansa ko rin kasi na may 8 months pa ko para makapag move on. Alam ko, ikaw.. nakamove on ka na talaga sakin.

Pero  bakit hindi pa rin ako ang pinili mo. Bakit hindi pa rin ako. Bakit sa bago. Bakit dun. T_T

BALIW TONG POST NA TO. WALA TO KWENTA.

Labels:

Sunday, August 28, 2011

Walang pakelam.

Walang pakelam ang nanay at tatay ko saakin dito sa bahay.
Nakakainis, nakakaselos yung mga classmates ko na sinusundo ng daddy nila sa event niyo.
Tapos, ako? Wala. Wala man lang silang pakelam.

Kung tutuusin, naglalaro lang sila sa laptop.
Sana maaksidente na lang ako para magsisi sila sa hindi nila pag alala sakin.
O di kaya, mahimatay sa pagod.

Ayoko ng ganito. Walang naga care sakin. T_T
Walang nakikinig. T_T

Labels:

Saturday, August 27, 2011

Dollars.

I want to earn dollars! I really really want to! <3

Para sa mga taong paasa,


  • Ano ba nakukuha niyo sa pagpapaasa samin?
  • Diyan ba kayo natutuwa?
  • Eh kung iparamdam namin yan sayo?
  • Pero hindi kasi kami tulad niyo eh. 
  • Yung mga taong mahal namin, sila madalas yung laging nagpapaasa.
  • Minsan talaga, masokista rin kami. Ewan ko ba kung bakit natitiis namin ang mga ginagawa niyo.
  • Siguro, mas matimbang nga lang yung nararamdaman namin sainyo kesa sa pride namin.
  • Ganito lang siguro kapag nagmamahal, kahit paasahin, mas pinipili natin maging tanga.

I got this from Skulcandiii. :)

Labels:

Nagbrobrowse ako ng Tumblr ko...

ng biglang... nakapasok ako sa isang blog na iniidolo ko.
Tapos biglang nagplay ang music na Way I do - Marcos Hernandez

Putcha. Namimiss ko si Kuya G. Bakit yan.
Lord, ano to pinagkakagawa niyo sakin. T_T

Nagparemind sakin saknya ang kantang yan kasi yan ang dinedicate niyang kanta sakin.
Tapos ginitara niya sakin nung nasa labas kame ng Guidance, 1 year ago. Tapos na LSS nako sa kanta.

RandomFact: I used to hate this song, kasi it reminds me of him sometimes.

Pero promise, I'm totally over about it.

Labels: ,

Sa totoo lang..

Ayoko ng maraming options. Ayoko ng maraming crush. Sana pwede na lang bumalik sa dati na kung saan loyal ako sa isa. Not saying hindi ako loyal sa gusto ko. Pero kasi, di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kinikilig ako sa mga maharot, and malandot na lalakeng pumapansin. Kilig lang, walang anything.

Ayoko yung feeling na kung saan pag nahurt ako sa isa, ang susunod ay *di bale, may tatlo pa man ako*. Ayokong mangyari yun sa'kin. Mygad, ayoko talaga. Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi na muna. Hindi na muna papansin masyado sa mga may potensyal na maging crush/whatsoever.

Kasi sa totoo lang? Isa pa rin ang laman ng puso ko. Isa pa rin ang binabalik balikan ng isip ko gabi gabi bago matulog. Isa pa rin ang taong iniisip ko tuwing nalulumbay. Hindi ko alam kung bakit ang hirap tanggalin sa isip. Hindi ko talaga alam kung bakit. Sorry. T_T

4 months pa lang naman eh, may 8 months pa para mag move on.

Labels:

Hala

Lord, bat ako medyo nahurt sa sinulat niya? Bakit Lord? Bakit?

Labels: ,

Dear Highschool crush,

Bakit ngayon ka lang? Sana dati pa. T_T
Hindi ka naman gwapo, hindi naman ganun katalino, pero kasi... bakit ngayon lang?

Hindi pa kasi ako ready magmahal, ulit. Natatakot ako. :(

Labels:

Friday, August 26, 2011

Frustrating Realizations


By: Princess Jade Monce

Have you ever encounter in your life na kung saan ang dami mong frustrations sa love? Nakakainis noh, "Sana minahal ko na lang siya", "sana ako na lang pinili niya", "sana ginawa ko na lang yun".. etc. Sakit. Marami akong nasaksihan na iba't ibang klaseng sitwasyon sa love, tignan na lang natin kung makakarelate ka ba sa mga ito:

Number 1. You find the perfect love, but in a wrong time. - Ito yung mga taos pusong nagmamahal, pero hindi pa yun ang tamang oras na kung saan pwede silang magmahal. May mahal siyang tao, mahal rin siya ng taong mahal niya, pero may mga barriers na nagpapahiwalay sa kanila.  E syempre, hindi pa yun ang tamang oras.. tapos nagmamahalan na sila. May mga darating talaga na problema at pagsubok sa relasyon nila, kasi hindi pa yun ang tamang oras na magmamahal sila. Maaaring hadlang ang parents (kasi bata pa?), o di kaya, di pa sapat ang mga karanasan, o pag aaral muna, o pwede ring hindi pa stable ang buhay socially, and all. Kaya ayun, pag nadapuan ng mga ganung klaseng pagsubok, biglang nagbrebreak down ang relationship, tapos masasaktan ang dalawa. Tapos na. Ganun na lang.

Kaya dito pumapasok ang katagang sinasabi nila na "True love waits", pag nakapagtapos ka na, stable na ang buhay mo, legal na, at may sapat na karanasan ka na, may darating rin na isang taong nakatakda para sa'yo, maaaring magbabalik ang taong minahal mo dati, o may makikilala kang bago na magmamahal sa iyo ng tunay at lubusan.

Number 2. You find the perfect one, but he/she is not inlove with you. -  Isang sulyap mo pa lang, naattract ka na. Yun bang nagsasama kayo, naguusap, akala mo that person also feels the same way like you do. Yun bang feeling mo, siya na. Kaso, hindi siya inlove sa'yo. Akala mo lang yun. Sadyang mabait lang talaga siya, maalaga, and all. Pero, hindi. Hindi siya inlove. Maraming tao ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon. May mga nagpupursigi pa rin, kasi umaasa na baka mahalin rin sila balang araw, na maiinlove sa kanila balang araw. Ang iba, naglaan ng space, kasi yung taong perfect for them ay inlove sa ibang tao. at may mga naghanap na ng iba, kasi kailangan rin nila ng isang taong magmamahal sa kanila. Ganun talaga ang love, mapagbiro, pero kailangan rin nating maging clever para malaman natin kung ang taong yun, ay para sa'tin talaga o hinde.

Number 3. You find the perfect one, but you must be loyal to someone else. - Ito yung kabaliktaran na sitwasyon ng Number 2. Kasi, ikaw yung may commitment, ikaw yung may mahal, tapos may gusto kang iba. Lalong lalo na kung ang tagal niyo ng nagsasama ng mahal mo, tapos biglang may isang taong dadaan sa harapan mo, tapos nag 'skip-a-beat' ang heart mo. Mapapa- "Ano yun? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya?" ang drama. Tapos, pag wala yung taong mahal mo, o malayo sa'yo ang taong mahal mo, mababalin ang atensyon mo dun sa taong gusto mo, makikipag friends ka dun sa taong gusto mo, show concern, sasamahan mo kahit saan hanggang sa... makakalimutan mo na lang na may mahal ka pala. Naman oh, naman. Ngayon, stuck up ka tuloy kung sino ba talaga ang pipiliin mo. Yan kasi, ang landi mo. nagpadala ka sa tukso. Pag nalaman ng taong mahal mo ang ginawa mo, masasaktan siya. So, masasaktan ka rin. At pag nalaman naman ng taong gusto mo (kung hindi pa alam ng taong gusto mo na may mahal ka), eh talagang mas masasaktan siya. Edi tatlo na ang sinaktan mo dahil sa ginawa mo. Kaya dapat, mag decide ka talaga ng maraming beses kung ano dapat ang tama. Kung alam mong kailangan mong maging loyal sa mahal mo, dapat di ka na naglandi nagpadala sa tukso.

Number 4. You got perfect looks, but no one takes you seriously. Ito yung problema ko. Ito yung problema ng mga taong masyadong perfect, perfect lips, perfect eyes, pero wala namang nagseseryoso sa kanya, kasi mostly, ang ginagawa sa kanya, pang display lang. Lahat ng tao, pinupuri siya. Kasi panlabas lang na katauhan ang nakikita nila. "Perfect", yan ang perception ng mga tao sa kanya, pero hindi nila alam na may mga flaws rin siya. Lahat naman ng mga tao may flaws, pero akala siguro ng iba, sandali lang siyang makipag deal sa mga kamalian. Kaya yung mga masyadong high ang expectation sa kanya, pag hindi nag meet ang expectations, ay basta na lang matuturn off, at iiwan siya. Kaya yun. Walang nagseseryoso. Kung alam lang nila na hindi ganun kadali magbago, hindi ganun kadali sagutin ang kamalian. Diba? Ang dami kasing nagtatake for granted. Ang dami kasing taking advantage. Ang dami kasing taong nageexpect, kaya maraming nasasaktan. Jackpot na nga na nagustuhan rin sila ng may perfect beauty, tapos di pa inalagaan. Ginamit lang. Ang sakit kaya.

Pero depende pa rin, minsan nasa attitude rin kasi ng tao nakasalalay ang mga ganitong klaseng sitwasyon. Perfect nga, pero hindi naman maganda ang ugali. Sayang lang. May mga taong handang handugan siya ng pagmamahal, pero ang sungit sungit, walang paki alam. Masyadong proud sa sarili, hindi marunong mag appreciate. Nako, nakaka walang gana. Kaya ayun, wala talagang nagseseryoso. Kaya dapat, ibalance ang sarili. Hindi yung focus ka lang sa looks mo, hindi mo namamalayan ang mga taong nakapaligid sa'yo.

Number 5. You got brains but you have a frail heart. Sabi nila, ito daw talaga yung mga problema ng mga taong matatalino, mahina sa love. Eh pano daw kasi, focus na focus sa acads, no time for love. Sometimes nga, no time for their own self. Bakit kaya no?

Eh kasi naman, since masyadong focus sa acads, hindi nila naeentertain ang sarili nila sa mga sitwasyon na kung saan yung mga taong inlove lang ang nakakaranas. Not saying na hindi pa nila naranasan mainlove. Hindi pa siguro sila nainvolve talaga sa mga mabibigat na situation na kung saan sila lang mismo ang makakasolve nito. Kasi nga, hindi pa nila naranasang pumasok sa buhay ng love. Some says, takot silang magmahal kasi, yung mga kaibigan nila nasasaktan, kaya ayaw nila itong maranasan. Ayaw nilang masaktan. Some says, ayaw nilang maapektuhan ang studies nila. Pero yung mga ready na mag involve, sila yung may mahinang loob sumuyo. Syempre, hindi naman talaga mawawala ang takot, diba? Kaya nakakapang hina ng loob. Pero, ang dapat nating gawin ay ipagpatuloy lang ang nangyayari, kasi kahit ano pa man yun, may makukuha tayong karanasan as well as lesson. Lesson! Kung nasaktan man tayo, we should know it's really normal, that's the key kasi eh para mas lumakas ang loob. Para matama ang mga kamalian. Para maayos at mahanda ang sarili ang susunod. Kaya huwag hayaan ang sarili na mapaghinaan ng loob, pag may mahal kang tao, ipakita mo, malay mo.. yun na pala ang para sa'yo. Edi swerte mo. Jackpot niya sa'yo. Masarap ka nang magmahal, matalino ka pa. Diba?

Number 6. You got the courage, but it's too late. Matagal na matagal mo na siyang gusto. Eh ba't ba kasi ang torpe mo? Matagal na matagal mo nang gustong umamin, pero nung nagkalakas ka na ng loob umamin sa kanya, huli na ang lahat. Kasi, may mahal na siyang iba. Eh ba't ba kasi hindi ka pa umamin dati, noh? Eh ayun, nahulog siya sa iba. Ang tagal tagal mo kasi eh. Ngayon, anong gagawin mo?

Nakakagago. Ang sakit. Kung pwede lang maibalik ang oras, siguro ginawa mo na. Yan, yan ang napapala ng mga torpe. Eh sana nung dati pa, sinabi mo na ang nararamdaman mo. Oo, normal ang matakot, pero sana hindi hinayaan na magwagi ang takot sa sarili. Sana you believe in yourself. Isn't it people loves to feel they're being loved? "Life is too short, so make every moment last", ika nga. Dapat ganun rin. Bahala na kahit di ka gusto, basta nasabi mo. You'll never know rin kasi, unless you'll take the risk. Pero ngayon na huli na ang lahat, wala ka nang magagawa kundi hayaan siya, kasi dun siya masaya. Kasi, andun na siya sa mahal niya. Kung kaya mong mag antay (hanggang sa magbreak sila), edi magantay ka. Pero tanong, pano ka makakasiguro?

Move on. May milyun-milyong tao pa na namumuhay sa mundong 'to. Oo, marami nga, kaya malay mo diba, hindi siya ang para sa'yo. Focus ka muna sa mga bagay na nagpapaka busy sa'yo. Hanggang sa makalimutan mo siya. Hanggang sa may mahanap kang bago na pwede mong handugan ng pagmamahal, but this time, don't waste a chance. Remember, "you'll never know unless you'll take the risk."

Number 7. You're ready to love, but you don't know where to start. Ito yung mga taong hindi mapakali sa love life. Kasi, hindi nila alam kung saan magsisimula. Ready ka na, pero wala pang matinong tao na qualified sa check list mo. O di kaya, ready ka na, pero hindi mo alam pano susuyuin, hindi mo alam kung pano sasabihin. Nasa dilemma stage ka kung sasabihin mo, o ipapakita mo. Kung sasabihin mo naman, natatakot ka baka magiging korny ba ang kalabasan nito. Kung ipapakita mo naman, baka ayaw niya o baka dapuan ka na naman ng pagkatorpe mo. Naku nako naman, hindi mo alam kung pano magsimula, di mo alam kung ano ang dapat mong gawin. Minsan matatanong mo na lang ang sarili mo, "Pano ba talaga magsimula sa love?" Paano nga ba?

Sabi nila, love starts with a smile. Smile. You'll never know, dahil sa killer smile mo, madaming maghahabol sa'yo diba? Pero syempre, isama mo na ang right attitude sa package. Tapos friendship. Proven ito ah. Ang daming nagtatagal pag nagsisimula sa friendship, kasi friendship makes bonds. Syempre, it takes time. Dun mo kasi malalaman ang pagkatao ng taong gusto mo. How you deal with your ups and downs, and all. Pero syempre, you should also appreciate every little thing about that person. Dun kasi mararamdaman na love ka ng tao, at kapag naramdaman mo na yun, edi ipagpatuloy mo na. Hindi mo na lang mamalayan, nagmamahal ka na. Hindi mo na lang mamalayan, mahal ka na rin pala. O diba?

Marami talagang nakakabigong realizations. Gayunpaman, huwag nating hayaan na madapuan tayo ng katorpehan at takot harapin to. Kasi, dito tayo makakakuha ng karanasan on how to deal with certain situations. Go lang. Para ito sa mga taong bigo, mga taong napaghihinaan ng loob. Para sa mga taong humihingi ng signs, itong ito na yun. At sa bawat taong hindi napagod basahin ang mahabang post na ito. Sana nagenjoy kayong magbasa at sana may natutunan kayo. Salamat!

Labels:

Thursday, August 25, 2011


Labels:

Ui.

Oo. Naaalala ko pa. Pasensya na. Ayokong kumibo. Pakiramdam ko kasi isang pangyayari na lang, matutumba na'ko. Hindi ko na kaya. Oo, pasensya na talaga. Pero hindi mo na mababalik ang dating nararamdaman ko para sa'yo. Nasaktan mo na'ko. Wala na. Ayoko na.

Nasanay na ako na wala ka sa tabi ko. Hindi mo ko kinakausap. Hindi ka nagpaparamdam. Nung una, nasaktan ako. Tapos, umasa ako na kinabukasan papansinin mo ko uli. Napagod ako sa kakaantay hanggang sa naisip kong sumuko na dahil wala rin namang patutunguhan ang lahat. Pag sinabi ko ang lahat, ibig sabihin, lahat ng nangyayari ang tinutukoy ko. Wala na eh. Pinatay mo na. Pagod na'ko.

Ayoko nang pansinin mo ko. Awkward. Ui, Sorry. Ui, naalala mo pa? Wala nang Ui ngayon.

Labels: ,

I ...

I wont waste a tear for you no more. Not worth it.

Labels: ,

Tuesday, August 23, 2011

No more ...


Oo, ganun na lang yun. Hindi siya madali. Sa totoo lang, hindi ko pa napagiisipan ng maayos ang nararamdaman ko. Pero gusto ko sanang malaman niyo, na hindi siya madali. Ewan ko kung bakit bigla ko na lang nasabi na “dead” na siya. Marami rin naman kasing mga dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng ganitong feeling.
Hindi ko maintindihan ang actions niya. Hindi ko malaman laman kung bakit ganun ang kilos at galaw niya sa school. Oo, wala siyang arte.
“Pero, alam mo yun.. napaka hyper niya, madaldal and feminine - Oops, pwede pa siguro tong exemption.”
Hindi ko naman masisisi kung ganun talaga siya, diba? Hindi ko rin naman siya masabihan kasi ano ba ako sa kanya? Tsaka, hindi na kame katulad ng dati. Oo, naaalala ko yung mga oras na kung saan tinitext niya ko kahit san man ako mapunta, lalo na kung hindi niya na ako nakikita. Pero, ngayon, wala na. Eto na siguro yung sinasabi nilang.. ” Sa una lang yan matamis, pero sa paglaon.. puno na ng pait.” Inaamin kong na-attach ako sa kanya. Inaamin kong gusto ko siya. Pero ngayon? Ewan ko. Bakit wala na akong nararamdamang spark? Bakit? Wala naman akong gustong iba, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Sabi ko sa sarili ko dati, “Ayoko ng makasakit ng iba, lalong lalo na kung siya.” Wala pa siyang kamuwang muwang sa relasyon eh. Inosente. Tapos, sasaktan ko? Alam kong hindi naiiwasan ang masaktan, pero marami pa ring mga dahilan at pagkakamali na pag malaman niya, ay pwede ko siyang masaktan.
Kaya ngayon, heto na.. ihihinto ko na ang lahat. Mas mabuti pang ihinto na ang lahat ng komunikasyon naming dalawa. No more texting every minute. No more chatting every night. No more exchanging banats and all && No more expressing of something I rarely do/say. Gusto kong balikan yung dati na kung saan wala pa, walang namumuong attachment. Kasi sa tingin ko, mas mapapadali namin ang mga buhay namin sa ganung pangyayari. Walang tampuhan. Walang pakelamanan. 
Total ganun na rin man ang tratuhan namin ngayon. E ba’t hindi na lang ipagpatuloy? Alam ko sa kalaunan, mawawala rin ang sakit at hinanakit, mawawala rin ang spesyal na damdamin. Pero bago ang lahat ng yun, gusto kong humingi ng kapatawaran.
Sorry talaga, *insertnamehere*. Sorry kung ganito lang ako, basta basta sumuko. Sorry kung ganito na lang ako kadaling magdesisyon. Ewan ko dito sa nararamdaman ko , eh. Napakagulo. Hindi ito rason para ihinto ang friendship natin. O kung ano mang klaseng akhdflahkfalh na pwede mong isipin. Ito talaga yung totoong nararamdaman ko, sana paniwalaan mo. Patawarin mo ko, patawarin mo ko.

Labels: , ,

Friday, August 19, 2011

Midterms done. I'm still stress. Stress thinking about the results.

Saturday, August 6, 2011

Ayokong masaktan.

Ito.. ito yung pinaka ayaw kong mangyari sa sarili ko. Pero sabi nga nila, hindi naman natin ito naiiwasan. Ewan ko lang kung bakit nangyayari ang phenomenon na 'to. At kung bakit inaadopt ng sarili ko ang feeling na to. Alam ko normal lang ang masaktan, pero minsan naisip ko kung required ba talaga to? Sabi ni M, manhid raw ako. Pero, ang totoo nun.. ayoko lang lalong masaktan. Yun naman yun eh.

Labels:

This time, it's real.

Oo, tama ang nabasa ninyo. Simula ngayon, magpapakatotoo na ako. At kahit na medyo naguguluhan pa rin ako, gusto kong malaman ninyo na hindi ko na idedeny ang totoong nararamdaman ko. Medyo natotorpe nga lang ako, pero at least.. nasasabi ko na kahit konte ang totoo.
Gusto ko ang classmate ko na matagal nang may gusto sa'kin. Kung ibibilang ako, mahigit na isang taon nang may feelings sakin. Ikailang times ko na mang hinayaan ang nararamdaman niya sakin, ikailang times ko na man siyang nasaktan, nabalewala, at napagago. Andyan pa rin siya. Sana ngayon, hindi pa rin siya magbago. Kasi konte na lang... nahuhulog na ako.

Ewan ko kung anong meron sayo. Hindi ka naman gwapo. Hindi ka rin matalino. Pero, napaiyak mo ko. Napaamin mo ang torpe kong puso sa mga simpleng bagay na minsan ko lang nasasabi sa mga tao na sincere ako. Shet, gusto kita.

Labels: ,