Sometimes, I dont know what to do next.
Hindi ko alam kung papansinin ba kita, kasi kulang ako sa pansin. Hindi ko alam kung di kita dapat pansinin para di mo isiping attached ako ng sobra sayo, or di ka na talaga pansinin para mamiss mo ako. Hindi ko alam eh, hindi ko alam. Hindi ko alam kung pakipot ka lang ba talaga o sadyang ayaw mo lang talaga. Hindi ko alam ano ang susunod kong gawin sapagkat nagseselos ako, at ayaw kong ipaalam sayo kasi nasasaktan ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari, hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron sa'tin. Hindi ko alam kung ako na lang ba ang nag iisang gusto mo, hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang nag iisang mahal mo. Hindi ko alam kung interesado ka ba sakin, hindi ko alam kung panakip butas lang ang habol mo sakin. Hindi ko alam kung may pakelam ka ba sakin, hindi ko alam kung nag aalala ka ba sakin. Hindi ko alam kung totoo ba ang nararamdaman mo dahil hindi ko alam kung ano ba talaga tayo. Hindi ko alam kung matutuloy pa ang mga sinumpaan natin at hindi ko alam kung may balak kang kalimutan yun.
At higit pa sa lahat ng yan, hindi ko alam kung nagugustuhan mo ba ang mga nangyayari at hindi ko alam kung pinagsisisihan mo ang lahat.
Mister A.
Alam mo, inisip ko nung una ung ano ba talaga tayo. Kasi, alam mo, sa mga nangyayari satin parang tayo na eh. Parang tayo na. Alam mo yun, sa mga pinagkakagawa pa lang natin. At sa sobrang attached natin sa isa't isa, di ko alam kung anong meron satin.
Masaya ka ba talaga sakin? Teka, tandaan mong mahal na mahal kita. Pero alam mo, ang totoo ay takot pa rin ako. May halo pa rin katakutan, kasi alam mong alam ko na wala kang tiwala sa sarili mo na ako lang ang gugustuhin at mamahalin mo. Sa totoo lang, takot akong mawala ka sakin. Takot akong mapunta ka sa iba. Alam kong inaalagaan mo ang puso ko, para hindi ito mabasag, pero alam mo yun, dun pa lang sa sinabi mong ikaw mismo ay natatakot, ako rin kasi eh. Takot ako. Kaya ngayon, di ko alam kung ibibigay ko na ba talaga ang buong pagmamahal ko sayo, kasi may halo pa ring takot sakin.
Di ako nagmamadali. Gusto ko sanang mag enjoy muna tayo sa anong meron satin ngayon. Fiance naman kita, dba? At alam mong, mahal na mahal kita.
Follow Your Heart, Always.
It will bring you to places
- Evelyn (tumblr)
Example : Kwarto.
Dadalhin at dadalhin ka talaga nun sa kwarto, kung love talaga ang dahilan. He he.
December 8, 2010.
Bigla kong naalala, 8 pala ngayon.
Sabi ko dati sa sarili ko, kung magiging tayo man, gusto ko araw ng sinagot kita ay 8.
Bakit? Kasi 21-13 = 8
Wala lang. Ayoko lang ng 21+ 8 = 29. Kasi Ayoko lang.
Simula ngayong araw na 'to, masasabi kong mahal na nga talaga kita, A.
Mahal na mahal. Mahal na mahal.
Tinuring kitang kaibigan.
Unang una, sa kabila ng lahat ng mga pagmumura at sinasabi mo tungkol sakin na sinusulat mo dyan sa Tumblr mo, gusto kitang pasalamatan sa friendship na nabuo nating dalawa. Kahit na di na man tayo masyadong close ngayon,
kasi ewan ko kung bakit at anong nangyari, tinuturing pa rin kitang kaibigan ko. Gusto kong pasalamatan ka sa mga shinishare mong advices, sa mga pinapamahagi mong storya ng buhay mo sakin, at maging ang love story mo. Salamat kasi minsan ring binago mo ang pananaw ko, binuksan ang mata ko. Dahil ayaw mong masaktan ako, sa mga lalakeng gago. Salamat pa rin tuwing ngumingiti ka sakin, nararamdaman kong totoo ka sakin, at sa lahat lahat. Maraming salamat sayo.
Anyway, di ko alam kung pano ko sasabihin sayo ang mga ito, kasi alam ko lahat ng mga nakasabi dito, ay di mo paniniwalaan. Idadaan mo sa pagmumura, kokontrahin pa. Ano ginawa ko sa'yo? Ang tagal na nga nating di naguusap eh, ang natatandaan ko lang usapan natin ay nung post ko sa tumblr ng bestfriend ko nung nasa Island bubble tea kame. Tapos ayaw mo sakin? Hindi naman kita ginagalaw. At hindi naman kita inaano. Ano problema mo? Kung ang problema mo sakin ay tungkol sa pinsan mo, bat mo inaapektuhan ang pagkakaibigan natin eh in the first place, wala naman akong ginawa sa'yo.
Ba't ba? Ano bang gusto mong gawin ko? Anong pinapalabas mo? Na ginagago ko pinsan mo? Nasabi ko na ang lahat sa pinsan mo, yung pinaka posibleng paraan na kaya kong gawin para di siya lalo masaktan. Teka teka, tinanong ko na ang pinsan mo sa kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari, di niya naman ako sinagot. Sinagot niya nga ako, pero hindi naman daw para sakin ang mga pinagsasabi niya. Kahit klaro naman na ako. Instead, chinange niya ang topic. Oh, kaninong kasalanan ngayon? Ayoko na rin lalong magpaka feeler sa harapan ng pinsan mo. Ang gusto ko lang ay sabihin niya straight to the point, para hindi siya mag end up na naguguluhan siya. I dont deserve your cousin. I know right?! Ayoko lang. Kasi? Kasi, hindi ako komportable sa kanya. Tsaka alam niya na may mahal ako. Ako pa rin ba ang may kasalanan? Ba't parang ako ang sinisisi mo? Inaamin ko, di naman talaga ako karapat dapat sa pinsan mo. Hindi man talaga karapat dapat. Bat bitter ka pa rin sakin?
Again and again, gusto ko lang klaruhin kung bakit hinahayaan mong maapektado ang friendship natin kung problema naman namin 'to ng pinsan mo. Oo, magpinsan nga kayo. Pero magkaibigan naman tayo. Or should I say, naging magkaibigan naman tayo. (Kasi nga, mukhang ayaw mo na nga ako maging kaibigan or ayaw mo nga talaga) Bat ayaw mo nalang akong iconfront at kausapin? Bat nagpaparinig pa? Kung pwede namang sabihin agad harap harapan. Diba?
Tinuring kitang kaibigan, teh. Tinuring kitang kaibigan.
Di ko nga inexpect na gagawin mo yan sakin eh.
Walang wala sa isip ko na gaganyanin mo ako.
Salamat teh ha. Salamat.
P.S. Di ako galit dito. Ang sakit lang naman ng naramdaman ko. Iniyakan pa kita. Haynako.
Dear A,
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko para sayo ngayon. Ang alam ko lang ay mahal kita at namimiss kita ng sobra. Patawad kung parang nasasakal kita, di naman sa desperado ako sa pagmamahal mo, pero alam mo yun? Alam kong di tama. Alam kong may gusto kang iba. Pero Im leaving all my trust in you. Hoping you would be true.
Nagseselos ako. Alam ko wala akong right. Talo ako sa kanya eh. Long time crush mo siya, eh ano lang man ako? baguhan pa lang. Tsaka, kahit ako attracted talaga ako sa kanya. Ewan ko lang. Pero talaga attracted ako sa kanya, what more sayo diba? Na lalake ka. Nagseselos lang ako. Kasi nagbitaw ka ng salita na mahal mo ko, pero siya. siya. Naiisip mo pa rin siya. - Huwag kang magalala, iintindihin pa rin kita. Pilit nating intindihin yang feelings mo. Para mahanap mo rin ang sarili mo. At di ka maguluhan kung san ka ba talaga sa amin.
Pero kung san ka masaya, dun ka. Di naman kita pag mamay- ari. Ang alam ko lang ay gusto kita, at kung san ka masaya edi dun ka. Tsaka, Nirerespeto ko ang mga desisyon mo. Basta pangako mo lang sakin na ayusin mo buhay mo, Asap.
Andito pa rin ako para sayo, A.
Lovingly Yours,
Jadi
I honestly dont like Bad vibes.
Lalo na kung meron ako.
Ang bilis kong magtampo, ang bilis kong masaktan. Ang bilis kong umiyak. Ang bilis kong mabadtrip. Ang bilis kong magalit. Lahat lahat na.
Kaya pag malungkot ako during period days ko, my whole human system gets weak too. I dont came out of my room, I dont eat. I dont talk. I only talk to myself. Im finding my self. The thing called "who I really am". I just stare at some people, I dont look. I dont watch over. I just stare.
Malungkot na energy. Ayoko sa'yo. Lubayan mo ko. Nalilito ako. =/
Hello, December 2010.
Its been two years since I haven't been active in this blog. I'm sorry guys for not updating anymore. It's just that there are a lots of things that already changed a lot. My personal, physical, and emotional aspects changed a lot. My maturity deals good enough with people. Its been two years, yeah. Two years of being dead in online blogging world. Here I am now. I came back. I came back to where I started all along.
How am I? Im pretty fine. Two years without updating this blog must've been missing out a lot of fun. Im now in my freshman year in college, currently taking up Bachelor of Science in Nursing in Ateneo De Zamboanga University. Living as an ordinary student, happy go lucky. But of course, I will never leave my academics behind all things. Im happy with my friends right now. My family are well adjusted. Still living my own life, alone. No siblings. Nothing at all.
My love life is stable. I mean, I'm happy I'm single. And ready to mingle? I'm not into boys right now. I value friendship more than having a relationship. And I'm concentrating myself into studies. Honestly, I love someone right now. But I'm not that desperate to get him and be mine. I take things slow. I take time ran to make things worth running. And, I'm always here for him whenever he needs me. I just take things slow. I take time and right timing and maybe destiny to work for us.
Anyway, I have all the random thoughts here inside my head and I'm ready to post new and fresh new stuffs about myself again. So, Hope you'd enjoy reading! :)
Smile everyone!
Lovingly Yours,
Jadi